Support OpenKore:
Learn about
the Fund Pool

Papaano nilalapatan ng bersiyon ang OpenKore


Contents


Mukhang madaming tao ang nalilito sa 1.6 at 1.9/2.0 na release, kung kaya't lilinawin ng pahinang ito kung papaano nilalapatan ng bersiyon number ang OpenKore.



Pagkilatis sa bersiyon number

Una, hihimayin natin ang mga bersiyon number. Ganito ang hitsura ng mga OpenKore bersiyon number:

(malaking bersiyon).(maliit na bersiyon).(patch na bersiyon)

Halimbawa, ang bersiyon number na 1.6.2 ay pwedeng himayin ng ganito:

  • Ang malaking bersiyon ay 1
  • Ang maliit na bersiyon ay 6
  • Ang patch na bersiyon ay 2


Ang stable at unstable na serye

Mayroong dalawang serye ang bawat "release" ng OpenKore:

1. Ang stable na serye
  • Ang seryeng ito ay gumagamit ng mga maliit na bersiyon number na even.
  • Halimbawa, ang mga sumusunod na bersiyon ay nabibilang sa stable na serye: 1.4.0, 1.4.3, 1.6.0, 1.6.6
  • Ang mga seryeng ito ay "matatag", na nangangahulugang madalas wala silang mga problema.
2. Ang unstable/beta na serye
  • Ang seryeng ito ay gumagamit ng mga maliit na bersiyon number na odd.
  • Halimbawa, ang mga sumusunod na bersiyon ay nabibilang sa unstable na serye:: 1.5.2, 1.5.5, 1.7.1, 1.9.0
  • Ang seryeng ito ay "di-matatag", at ginawa para lamang sa beta testing! Kadalasan mas madami silang mga bagong kagamitan, ngunit "maaari" din namang madami rin silang mga problema. Maaari din silang mag-crash nang paulit-ulit. Pansinin mong ang sinabi ko ay "maaari": hindi naman kinakailangang magkaroon sila ng madaming problema, ngunit pwede silang magkaroon ng madaming problema. Kung kaya't huwag mabigla kung ang ilang bagay ay hindi gumana kagaya ng inaaasahan. Ikaw ay nabigyan na ng babala.
  • Ang unstable/beta na serye ay magiging stable na serye balang-araw, kung sapat na ang kanilang katatagan. Halimbawa, ang 1.9.x na serye ay magiging 2.0.x balang-araw.
Ang stable at ang unstable na serye ay parehong ginagawa nang magkahanay. Dahil dito, posible na, halimbawa, ang 1.6.6 na serye ay lalabas matapos na lumabas ang 1.9.0! Hindi ito nangangahulugang ang 1.6.6 na serye ay nababase sa 1.9.0 - mali ang ganyang pag-aakala. Ang 1.6.6 ay nababase sa nakaraang 1.6.x na bersiyon. Ganap na hiwalay ang paghubog sa 1.9.0.


Eh ano naman ang SVN na bersiyon?

Ang SVN na bersiyon ay ang bersiyon na kasalukuyang hinuhubog. Balang-araw ang SVN bersiyon ay ang magiging susunod na unstable/beta kung ito ay, sa palagay ng mga developers, hinog na at pwede nang ilabas.

Halimbawa: sa kasalukuyang ang pahinang ito ay isinusulat, ang pinaka bagong unstable/beta bersiyon ay ang 1.9.0. Balang-araw ang SVN na bersiyon ay magiging 1.9.1. At kung sapat na ang katatagan ng linya ng 1.9.x, it ay magiging 2.0.0.


Saan ba makukuha ang 1.9/SVN na serye?

Matatagpuan ang mga download link para sa 1.9 (beta) sa forum. Hindi ito matatagpuan sa Download page (dahil sila ay mga beta). Upang makuha ang SVN na bersiyon, basahin ang SVN guide.

Kailan mailalabas ang susunod na bersiyon?

Kapag ito ay natapos na.

Hindi nga, kaming lahat ay mga volunteer lamang. Wala kaming mga deadline. Hindi namin masasabi kung kailan lalabas ang susunod na bersiyon. Ang susunod na OpenKore ay lalabas kung ito ay tapos na.