Support OpenKore:
Learn about
the Fund Pool

Gabay upang malaman ang impormasyon ng server

Contents


Notice

OpenKore/VisualKore ay mayroong malaking listahan ng mga impormasyon ng mga server. Subalit mayroong mga servers ang wala sa listahan, at minsan nababago ang impormasyon ng server (halimabawa, kapag ang server ay nagbago ng ip address o inupgrade ang software ng server). Ang gabay na ito ay tuturuan ka ng maraming paraan para malaman mo ang (bagong) impormasyon ng server. Basahin ang buong gabay na ito ng dahan-dahan! Kung ikaw ay may naging problema, tapusin munang basahin ang gabay na ito bago ka magtanong sa forum o sa IRC!

Pero bago mo ito gawin, basahin ang the list of (un)supported servers. Ang iyong server ay hindi talaga sinusuportahan ng OpenKore- kung nagkagayon, ang pagbabasa ng gabay na ito ay isang pagtatapon lang ng oras.


Kailangan ng OpenKore/VisualKore ang mga sumusunod na impormasyon tungkol sa Ragnarok Online server bago ito makapasok:


Pagkuha ng address at ng port

Ang lahat ng RO clients ay mayroong isa o mas marami pang .grf files. Ang mga files na iyon ay mga archives na naglalaman ng impormasyon na kinakailangan ng kliyente, at naglalaman din ng impormasyon tungkol sa server.

1. I-download ang GRF Tool. Kailangan mo ito, upang mabasa mo ang .grf files.

2. Hanapin ang .grf files sa iyong RO client's folder. (tulad ng C:\Program Files\Gravity\RagnarokOnline)

3. Buksan ang isa sa mga .grf files sa pamamagitan ng GRF Tool. Hindi na mahalaga kung ano ang isang iyon.

4. Sa GRF Tool's search box, i-type ang:

clientinfo.xml

May makikita ka ngayon na file na may pangalang clientinfo.xml o sclientinfo.xml sa listahan ng mga file. I-click ito; Ipapakita ng Preview pane ang mga nilalaman nito. Kung hindi ka makakita ng (s)clientinfo.xml sa listahan ng mga file, subukan mo ang ibang .grf file!

Halimbawa: Pinapakita ng GRF Tool ang iRO's clientinfo.xml

5. Maghanap ng linya na tinatawag na

<address>x.x.x.x</address>

Ang teksto sa gitna ng <address> at ng </address> ay ang address ng server. Paalala: kung ang address ay 127.0.0.1 ang iyong server ay gumagamit ng isang proxy, tulad ng FoxDye. Kung ang iyong (s)clientinfo.xml ay hindi naglalaman ng address field, subukan mo ang ibang .grf files!

6. Maghanap ka ng mga linyang

<port>xxxx</port>

Ang teksto sa gitna ng <port> at ng </port> ay ang port number ng server.


Pagkuha ng master version number at ng server version number

Dahil mayroon ka nang address at port ng iyong server, ito na ang oras para kuhanin ang master version number at ang server version number.

1. I-download ang Wireshark, ang network traffic analyzer (dating kilala sa Ethereal).

2. Buksan ang iyong RO client. Huwag munang mag-login!

3. Buksan ang Wireshark at i-click ang Capture->Options.... Isang dialog ang lalabas.

4. Sa "Interface" dropdown box, pumili ng interface na nagpapakilala ng iyong koneksyon ng internet. Kung ikaw ay hindi sigurado kung anong interface ang nagpapakilala sa iyong koneksyon ng internet: piliin ang IP address na hindi nagsisimula sa 192.168.

5. Siguraduhin na ang "Enable network name resolution" ay naka-check. Kung ikaw ay tapos na, i-click ang Start.

6. Bumalik ikaw sa iyong RO client. Mag-type ka ng kahit ano sa iyong login dialog, at pindutin ang Enter. Hindi mahalaga kung ano ang iniligay mo sa ID at Password, basta't mas marami ang mga iyon sa 3 letra/numero.
Ang kailangan mo lang gawin ay pindutin ang Enter, wala nang iba. Hindi mahalaga kung ang login ay matagumpay o hindi.

7. Bumalik ka sa wireshark. I-click ang "Stop".

8. Sa Wireshark main window makikita mo ang mga TCP segments na iyong nakunan. Dapat mo na ngayong i-fill in ang packet filter, pero kung ano ang dapat i-fill in ay nakadepende sa address ng iyong server, kung ito ay isang IP address o isang host name.

KUng ang address ng iyong server ay isang IP address (naglalaman lamang ito ng mga tuldok at numero, tulad ng 123.213.45.67):
Ilagay ito sa "Filter" text box:

tcp && tcp.port == XX && ip.addr == Y.Y.Y.Y

Paltan ang XX ng port number ng iyong server, at ang Y.Y.Y.Y ng IP address ng iyong server.

Kung ang iyong server address ay isang hostname (naglalaman ng mga alpabeto):
Ilagay ito sa "Filter" text box:

tcp && tcp.port == XX && (ip.src_host == "YY" || ip.dst_host == "YY")

Paltan ang XX ng port number ng iyong server, at ang YY ng hostname ng iyong server.

Pagkatapos maglagay ng isang filter, pindutin ang Enter.


Halimbawa na nagpapakita ng filter ng iRO.

9. I-right click ang unang entry at piliin ang "Follow TCP Stream".

10. Sa dialog na nagpakita, piliin ang "Hex Dump".

11.

  1. Ang 4 bytes na sumunod pagkatapos ng "64 00" ay ang server version number. Subalit, sila ay isang hexadecimal na numero (base-16). Inaasahan ng Kore ay isang decimal na numero (base-10). Gamitin ang aming hexadecimal-to-decimal calculator para mapaltan ito sa isang decimal number.
  2. Ang huling numero ay ang master version number. Ang numero ito ay isa dinng hexadecimal. Gamitin ang aming hexadecimal-to-decimal calculator para mapaltan ito sa isang decimal number.

Mayroon ka na dapat ngayon na server version number at ang master version number. Sa iRO, ang server version number ay 18 at ang master version number ay 1.


Pagkuha ng Character Encoding

Ang character encoding ay hindi madaling malaman, subalit ito ang mga listahan ng mga posibleng character encodings na maaari mong gamitin:

Encoding Ang iyong server ay ginagamit ang encoding na ito kung:
Western Karamihan sa mga tao ay sumusulat ng English, o isang lenggwahe na gumagamit ng alpabetong nakabase sa Roman. Halimbawa, German, French, Portuguese, etc., pati na rin ang Indonesian.
Simplified Chinese Karamihan sa mga tao ay sumusulat ng Simplified Chinese.
Korean Karamihan sa mga tao ay sumusulat ng Korean.
Russian Karamihan sa mga tao ay sumusulat ng Russian, o alpabetong nakabase sa Cyrillic.
Japanese Karamihan sa mga tao ay sumusulat ng Japanese.
Thai Karamihan sa mga tao ay sumusulat ng Thai.


Paglalagay ng impormasyon ng server sa OpenKore/VisualKore

Ang OpenKore/VisualKore ay binabasa ang impormasyon ng isang server na nakalagay sa file na servers.txt.

Sa OpenKore, gawin ito: Sa VisualKore, gawin ito:
Buksan ang file na tables\servers.txt
Click Advanced->Open Tables Folder. Buksan ang servers.txt.

Kung ang iyong server ay hindi nakalista sa file na iyon, maglagay ng bagong entry. Kung ang iyong server ay nakalista na, baguhin mo na lang ang nakalagay sa iyong server. Ito ang isang Halimbawa:

[International - iRO: Chaos/Loki/Iris]   <-- Ilagay dito ang pangalan ng iyong server. Ito dapat ay nasa gitna ng '[' at ']'
ip 38.144.194.2          <-- Ilagay ang address dito
port 6900                <-- Ilagay ang port number dito
master_version 1         <-- Ilagay ang (decimal) master version number dito
version 18               <-- Ilagay ang (decimal) server version number dito
serverType 0             <-- Ito ay dapat 0; baguhin lamang ito kung ikaw ay nakaranas ng problema (read on)
serverEncoding Western   <-- Ilagay ang character encoding dito

Pagkatapos baguhin ang servers.txt, i-restart ang OpenKore o ang VisualKore.


Tulungan nyo ako!, hindi ito gumagana!

Nakakatanggap ako ng timeout kapag pumapasok ako sa map server

Subukan mong baguhin ang serverType option sa servers.txt. Ito ay maaring 0 hanggang 8 (sa bagong bersyon ito ay hanggang 10). Subukan mong pumili ng numero hanggang matagumpay kang makapasok.

The bot connects to the wrong map server IP

Ikaw ay siguradong naglalaro sa isang private server.

Magdagdag ng

private 1

sa iyong server entry sa servers.txt.

Nakakakuha ako ng maling job at maling pangalan sa character login

Halimbawa, ang iyong pangalan ay "bananaSplit" subalit ang pinakita lamang ay ang "naSplit".

Solusyon: Sa servers.txt file (Nakalagay sa table folder) maglagay ng charBlockSize tulad ng mga sumusunod:

charBlockSize 108 

Ang value na 108 ay maaaring baguhin hanggang makuha mo ang iyong tamang pangalan. Paalala na ito ay gumagana lamang sa OpenKore/VisualKore 1.9.3 o mas mataas pa.

Nakakakuha ako ng mga mensahe na "Unknown packet - 0000"

Pagkatapos ng ilang segundo akong makalogin bigla akong madi-disconnect

Nakakaranas ako ng ibang problema

  • Una sa lahat, basahin ang the list of (un)supported servers. Baka ang iyong server ay hindi suportado.
  • Subukang baguhin ang server Type option, tulad ng ipinapakita sa itaas.
  • Kung wala sa mga server type ang hindi gumana, kung ganon ang iyong server ay maaring hindi suportado. Read this forum topic.

Anong kailangang gawin kung ang iyong server ay hindi suportado

Una sa lahat: Sinusuportahan ng OpenKore/VisualKore ang isang server dahil may mga developer na sumusuporta dito. Ang isang suporta sa server ay hindi basta basta nangyayari - ito ay resulta ng pagsisikap. Kung ganon, kung ang iyong server ay masusuportahan sa hinaharap ito ay nakadepende kung mayroon isang developer na nais nyang suportahan ang iyong server. Mas maunting developer ang naglalaro sa iyong server, mas maliit ang tsansa na ang iyong server ay masusuportahan.

Kung ikaw ay hindi isang developer, mayroong mga bagay na maaari mong gawin:

  1. Lumipat ka sa isang server na suportado. Ito ay inirerekomenda.
  2. Magtanong king mayroong mga developer na kusang handang tumulong sa iyo. Subalit, huwag pumilit! Mayroon din kaming mga buhay. Ang ibang developer ay mayroong napakaliit na libreng oras. Maaari kang humingi ng tulong, pero gawin ito ng isag beses. Huwag kang bumalik araw araw para lang magtanong ng isang bagay nang paulit-ulit.
  3. Pag-aralan mo ang programming at matuto ka nang sa iyo.
  4. Bayaran mo ang isang developer na gawin ito para sa iyo.
  5. Ayon lang. Have Fun!