Support OpenKore:
Learn about
the Fund Pool

Ano ba itong SVN?


Maikling paliwanag

SVN (na tinatawag ding Subversion) ay ang lugar kung saan itinatabi ang pinakahuli at hindi-pa-nailalabas na bersiyon ng OpenKore. Sa kalaunan ito ay ang magiging susunod na bersiyon ng OpenKore. Tingnan din ang kaalaman tungkol sa kung paano nilalapatan ng bersiyon ang OpenKore. Kapag binabanggit namin ang "OpenKore SVN version", tinutukoy namin ang bersiyon ng OpenKore na natatago sa SVN repository.

Mahabang paliwanag

Ang pinakabagong pampublikong bersiyon ng OpenKore ay hindi nangangahulugang nagtataglay ng pinakabagong code (ang code na kasalukuyang pinagtutuunan ng pansin ng mga developer sa sandaling ito). Madaming mga developer ang OpenKore, kung kaya't ang bawat developer ay hindi basta pwedeng iwan ang kaniyang code sa kaniyang hard drive: siya ay magkakaproblema kung sakaling gustuhin niyang ipagsanib ang kaniyang mga gawa sa mga binago ng ibang developer.

Ito ang dahilan kung bakit gumagamit ang OpenKore ng Subversion (SVN). Ang pinakabagong development sourcecode ay natatago sa SVN server ng SourceForge (SVN repository). Ang SVN ay ginagamit upang mas mapadali ang pagtatrabaho ng madaming mga developer sa iisang proyekto.

Maaaring ihambing ang SVN sa isang FTP server kung saan idinadagdag ng mga developer ang kanilang mga binago. Ngayon maaaring kang magtaka kung bakit hindi na lang kami gumamit ng isang FTP server. Ang dahilan nito ay, magkakaproblema ka kung sakaling magtrabaho nang sabay-sabay ang madaming developer sa iisang file. Ang SVN ay may kakayahang:

  • Isanib ang mga binago mo sa mga idinagdag ng ibang mga tao.
  • Ibalik sa dati ang mga binago mo.

Sa madaling salita: mas pinadadali ng SVN and gawain ng mga developer sa iisang proyekto. Ang SVN ay may malawak na pag-gamit sa daigdig ng open source, at isa itong kapaki-pakinabang na gamit.

Pag-gamit ng SVN

Babala sa mga gagamit

Maaaring ikaw ay interesadong gamitin ang code sa SVN, dahil mas madami itong mga feature. Ngunit, ang code sa SVN ay maaring hinuhubog pa lamang. Ito ay nangangahulugang:
  • Ang software ay maaring di-matatag o di-gaanong nasulit.
  • Maaring kailanganin mong mag-install ng karagdagang Perl modules upang mapaandar ang code.
Sa madaling salita: ang code sa SVN may kadalasang mas madaming problema. Sabihin na nating pinipilit naming panatilihing nagagamit ang code sa abot ng aming makakaya, walang kasiguraduhan na ito ay aandar nang maayos. Nawa'y wag po sana itong kalilimutan.

Sa pag-gamit ng SVN, siguraduhing:
  • Subaybayan ang News.txt.
  • I-ulat ang kahit anong problemang makikita ninyo, maliban na lamang kung sinabi na ng News.txt o ng forum na ang problema ay nai-ulat na.
  • Palaging i-update ang XSTools.dll or (wx)start.exe (ito ay ipaliliwanag)

Nawa'y pumili po ng gabay na nababagay sa iyo.

Ako ay gumagamit lamang.

Piliin ang gabay na ito kung nais mo lamang gamitin ang pinakahuli sa pinakahuli, at hindi ka interesadong sumulat ng code.

Basahin ang gabay sa pag-gamit ng SVN para sa mga gumagamit lamang.

Ako ay isang developer.

Piliin ang gabay na ito kung ikaw ay intersadong humubog para sa OpenKore.

Basahin ang gabay sa pag-gamit ng SVN para sa mga developer.